Dumadalaw sa sementeryo, di mahulugang karayom

HALOS hindi na mahulugang karayom ang Manila North Cemetery dahil sa pagdagsa ng mga dumadalaw sa kani-kanilang yumaong mahal sa buhay.

Mula kaninang alas 8:00 ng umaga, tinatayang aabot na sa 500,000 ang bilang ng mga pumapasok sa nasabing sementeryo .

Inaasahan naman na lalo pang dadami ang mga bibisita sa sementeryo mamayang tanghali hanggang mamayang gabi kung saan napag-alamang may 300 indibidwal ang pumapasok kada minuto.

Dahil dito, binuksan na ang Gate 2 sa A. Bonifacio at Gate 3 sa Balintawak.

Kaugnay nito, mahigpit pa rin ang ipinatutupad na seguridad ng pulisya na nasa 200 na kapulisan na ang nagpapatrolya .

Bukod dito, mayroon ding force multipliers para tiyakin ang seguridad at magbigay-serbisyo sa iba pang pangangailangan ng mga dumadalaw.

Pinayuhan naman ang publiko na huwag nang magdala pa ng mga ipinagbabawal na armas at anumang bagay na nakamamatay o nagdudulot ng pag-iingay sa loob ng sementeryo upang hindi na maabala pa sa pagpasok ng gate.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply