Dumalaw sa Manila Memorial Park, siksikan na sa gate

NAGSISIKSIKAN na ngayon ang mga taong nag-aalay ng panalangin sa kani-kanilang yumaon mahal sa buhay sa Manila Memorial Park sa Parañaque City kahit tumitindi ang sikat ng araw, ngayong Undas.

Kahit pa siksikan,  sa entrada pa lamang ng naturang sementeryo ay nakahambalang na ang mga nagkalat na nagtitinda ng kandila, bulaklak at pagkain.

Sa pag-iikot sa Manila Memorial Park, bagaman masikip sa gate, maluwag naman sa loob ng sementeryo at may masisilungan upang makaiwas sa tindi ng init.

Samantala, isa sa mga kapatid ni Pangulong Noynoy Aquino ang dumalaw sa puntod ng kanilang mga magulang na sina dating Pangulong Cory at dating Senador Ninoy Aquino, kahapon para mag-alay ng bulaklak at panalangin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply