UPDATE: Dyip sumirko, 25 sugatan

TINATAYANG 25 katao ang nasugatan makaraang sumirko ang sinasakyan nilang pampasaherong jeepney sa highway ng Barangay Lubigan east coast ng Zamboanga City kagabi.

Ayon sa pulisya, lahat ng mga pasahero ay nagtamo ng mga sugat at bugbog sa iba’t ibang parte ng katawan kung saan 15 sa kanila ang isinugod sa ospital.

Galing sa Pagadian City ang dyip na minamaneho ng isang Wahid Ali, 34, at karamihan sa pasahero nito ay mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kung saan dumalo sa isang convention ang mga ito na may kaugnayan sa Bangsamoro framewok agreement sa naturang lungsod.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nakatulog ang driver ng PUJ at nang maramdaman nito na nawalan na ng kontrol ang pagtakbo ng sasakyan ay bigla itong tumalon kaya bumaligtad na ito hanggang sa mahulog sa malalim na kanal sa gilid ng kalsada.

Hindi na rin naman magsasampa pa ng kaso ang mga biktima sa naturang driver at hindi nila sinisisi ito na napag-alamang kapwa magkakamag-anak.

Ligtas naman na sa kapahamakan ang mga sugatan na dinala sa ospital at ang iba sa kanila ay nakauwi na rin sa kanilang mga tahanan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply