Dyip sumirko sa Zambo City: 11 sugatan

SUGATAN ang 11 pasahero nang bumaligtad ang sinasakyan nilang dyip sa highway na sakop ng Barangay Lubigan, Zamboanga City, Martes ng gabi.

Ayon sa ulat sa radyo ngayong umaga, nagmula sa Pagadian City ang nasabing dyip at pabalik na sana ito sa siyudad nang maganap ang aksidente sa may bahagi ng pakurbang kalsada.

Nabatid pa sa ulat, na nasalpok ng driver ng dyip ang isang road sign na naging dahilan para mawalan siya ng kontrol na nagresulta sa pagbaligtad ng sasakyan. Nakadagdag din umano sa aksidente ang madulas na daan bunsod ng malakas na ulan sa lugar.

Isinugod naman sa pagamutan ang mga sugatang pasahero.

Patuloy ang imbestigasyon sa nasabing pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply