E-Learning classroom pinasinayaan sa San Juan

e-learning-classroom

MAGKATUWANG na pinasinayaan ni Pangulong Benigno Aquino III, Department of Education Secretary Armin Luistro, San Juan City mayor Guia Gomez at Rep. Joseph Victor Ejercito Estrada ang E- Learning classroom sa Museo ng Katipunan kasabay ng pagdiriwang ng ika-149 kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio.

Sa kanyang mensahe sinabi ni Sec. Luistro, na para mapagtagumpayan ang kamangmangan at kahirapan, kailangang ipagpatuloy ang pagkakaloob ng bolo ng karunungan at baril ng kaalaman sa mga bata.

Ayon pa sa kalihim, napapanahon ang K to 12 Basic Education program ng administrasyong Aquino para mahubog ang mga bata bilang ‘Little Katipuneros’ na makikibaka para sa kapakanan ng kanilang pamilya, komunidad at bansa.

Nagbigay din ng mensahe si Pangulong Aquino kung saan inihayag nito ang mga programa ng kanyang administrasyon para mapaangat ang pamumuhay ng sambayanan.

Sinabi rin ni Luistro na pagsisikapan pa ng gobyerno na palawakin ang e-learning classroom sa buong bansa dahil bahagi ito sa paggamit ng information and communications technology sa K to 12.

Katuwang ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan, ang National Historical Commission of the Philippines, sa pamumuno ni Dr. Maria Serena I. Diokno, na dinaluhan rin ni dating Rep. Ronnie Zamora at iba pang local officials ng siyudad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply