Eastern Visayas, Mindanao pauulanin ng ITCZ

IIRAL pa rin ang mga pag-ulan sa Eastern Visayas at Mindanao dahil sa kalat-kalat na kaulapang dala ng intertropical convergence zone (ITCZ) o ang naghahalong mainit at malamig na hangin sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Apektado ng ITCZ ang Mindanao habang nakakaapekto naman sa Northern Luzon ang northeast monsoon o Hanging Amihan.

Ayon sa Pagasa, wala na ngayong aktibong weather system sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) na maaaring maging bagong bagyo hanggang sa darating na weekend. Nalusaw na kanina ang namataang low pressure area (LPA) sa eastern section ng ating bansa.

Ang hilaga at silangang bahagi ng Luzon, kasama na ang Aurora, Quezon at Bicol Region ay magiging makulimlim pa rin ngayong araw dahil sa Amihan.

Makararanas ng bahagyang maulap na papawirin na may pag-ulan ang Metro Manila at ilan pang bahagi ng bansa.

Nananatiling pinakamalamig ang temperatura sa Baguio City sa 15 degrees Celsius samantalang pinakamaalinsangan ang panahon sa SBMA at Clark Zone gayundin sa Zamboanga City sa 33 degrees Celsius.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply