EcoWaste nag-inspeksyon sa mga tindahan sa Divisoria

NAG-INSPEKSYON ngayon sa Divisoria ang grupo ng EcoWaste Coalition upang matiyak na ligtas ang mga ibinibentang laruan at iba pang produkto doon.

Ayon sa grupo, dagsa na naman ngayon ang iba’t ibang produkto na nabibili sa mga mall at sa bangketa sa Divisoria dahil nalalapit na naman ang Kapaskuhan.

Dahil mura ang presyo sa Divisoria, ayon sa grupo ay dinadagsa ito ng mga mamimili at hindi alintana kung nagtataglay ng mga nakalalasong kemikal ang kanilang mga nabibili.

Partikular na sinuri ng EcoWaste ang mga laruang pambata na panregalo sa Pasko at ilang mga pagdekorasyon.

Pinayuhan ng grupo ang publiko na tiyaking walang taglay na kemikal ang kanilang binibiling mga laruan at hindi ito madaling maisubo ng mga bata na lubhang mapanganib sa kalusugan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply