Ekonomiya ng ‘Pinas umangat na naman kay PNoy

SOBRA-SOBRA ang ginawang pag-angat nag Pilipinas sa panunungkulan ni Pangulong Benigno Aquino Jr.

Ito ang hindi maitatangging katotohanan matapos umabot sa 7.1 ang pag-angat sa gross domestic product (GDP) ng bansa ngayong 3rd quarter ng taon ng 2012.

Base sa datos ng National Statistical Coordination Board (NSBC), lumampas pa sa 6 percent na nauna nilang itinaya ang 7.1 percent na kinalabasan ngayon ng paglago ng ekonomiya.

Malinaw rin na natabunan ng Pilipinas ang iba pang bansa sa East Asia na kung saan pumangalawa na tayo sa paglago sa China, na kung saan lumago lamang ang ekonomiya o GDP ng mga sakang ng 7.4 percent.

Lumabas din na ang Pilipinas ang nagtala ng pinakamabilis na pag-angat sa ekonomiya sa buong Southeast Asia matapos tayong tanghaling pinaka-angat sa aspeto ng GDP sa buong rehiyon nitong nakalipas na 3rd quarter ngayong taon kasunod ang Indonesia (6.2 percent); Malaysia (5.2 percent); Vietnam (4.7 percent); Thailand (3 percent) at Singapore (0.3 percent).

Sa report ni NSBC Secretary General Jose Ramon Albert, ang tahasang paglago ng ekonomiya ng bansa ay bunga ng pag-angat ng services sector na lumago ng 7 percent.

Lumabas na nakatulong sa pag-angat ng GDP ang paglago ng transport,storage and communication,financial intermediation,real state at renting at business activities sector ng bansa.

Malinaw rin sa datos ng NSBC, na nakatulong din sa pag-angat ng ekonomiya sa nakalipas na third quarter ng taon ang sektor ng industriya  na lumago ng 8. 1 percent habang umangat naman ng 4.1 ang agricultural sector.

Umangat din ang ginawang paggasta ng gobyerno ngayong 2012 ng 12 percent kumpara sa 8.9 percent na naitala noong nakaraang taon.

Sa naturang kaganapan,malinaw na pinatunayan nito na bumalik nang muli ang tiwala ng mga negosyante sa bansa at iyan ay dahil sa pagiging anti-corruption ni PNoy.

Nakatulong din sa economic growth ng bansa ang good governance o mas kilala sa “Aquinomics”.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply