Electoral sabotage case ni GMA itinakda na

gma-4

ITINAKDA na ng Pasay City Regional Trial Court Branch 112 ang paglilitis para sa electoral sabotage ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Enero 31, 2013.

Ayon kay Judge Jesus Mupas, inihanda nila ang unang araw ng paglilitis sa Enero 31, 2013 para magkaroon ng pagkakataon ang kampo ng dating presidente na maihanda ang kanilang mga kinakailangang dokumento.

Sinabi pa niito na ikinokonsidera nila ang kalusugan ng Pampanga congresswoman.

Una rito, hiniling ng kampo ni Arroyo na huwag na itong personal na humarap sa mga pagdinig ng korte dahil sa mahinang pangangatawan dahil sa kanyang karamdaman.

Kanina ay idinulog na rin ng Comelec na siyang petitioner sa kaso, na mailipat sa regular detention facility ang isa pang akusado sa electoral sabotage case na si Atty. Lintang Bedol na kasalukuyang nakapiit sa Camp Crame.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply