Eleksiyon ng US, wa epek sa mga Pinoy – Obispo

IGINIIT ni Retired Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz na walang epekto sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Amerika at sa mga Pinoy na nasa bansa ang nakatakdang US elections bukas, Nobyembre 6.

Ayon kay Cruz, dating pangulo ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kahit sino kina incumbent President Barrack Obama o Presidential candidate Mitt Romney ang mananalo ay hindi pa rin mababago ang international relationship ng Amerika at Pilipinas.

Tiyak kasi, aniya, na sinuman ang mananalo sa dalawang kandidato ay problema muna ng Amerika at kanilang mga sariling interes ang uunahin nilang resolbahin bago ang problema ng ibang bansa gaya ng Pilipinas.

“Wala!  Walang epekto yan sa buhay ng mga Filipino. I think as far as the international relations is concern, definitely no difference kahit sinuman kina Obama at Romney ang mananalo. Wala. Pare-pareho yan,” ayon kay Cruz, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

“At naiintindihan ko naman na syempre ang una nilang titingnan ang kanilang kabutihan at yung iba ay saka na lang. So, as far as the Philippines and U.S is concern, whoever wins, it’s exactly the same as before,” paliwanag pa ni Cruz.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply