Elf truck sinalpok ng gas tanker sa Batangas, 3 sugatan

emergency-2

(UPDATED) Sugatan sa aksidente ang isang mag-asawa at isa pa nang magbanggaan ang isang gas tanker at Elf truck sa STAR Tollway sa Batangas, Miyerkules ng umaga.

Isinugod sa ospital sanhi ng tinamong kapansanan sa katawan ang mag-asawang sina Ronald at Luzviminda Marasigan na kapwa lulan sa Elf truck at ang dryaber ng gas tanker na si Joel Melgar.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa northbound lane ng STAR tollway sa Tanauan, Batangas.

Bago ito, kapwa nasa nortbound lane ang naturang gas tanker (RZK 226) at Elf truck (TJW 891) na kapwa nagmula sa Batangas at paluwas sa Maynila .

Sa inisyal na ulat, nakatulog umano ang driver ng gas tanker na si Melgar habang nagmamaneho sa bandang 62 kilometer ng tollway, na sakop ng Barangay Trapiche sa Tanauan City.

Dahil nakaidlip, tinumbok ni Melgar ang kasunod na trak at saka tuluyang nahulog sa kanal.

Samantala, sinumulan na rin ang pagsalin ng tumagas na gas upang maiwasan ang lalong pagkalat nito dahil na rin sa ulat na ninanakaw ito ng mga residente.

Nagdulot naman ng mabigat na daloy ng trapiko sa lugar ang naturang pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply