Empleyado ng bangko pinatay sa sakal

bangkay-2

PINATAY sa pamamagitan ng pagsakal gamit ang scarf ang isang computer encoder ng bangko ng hindi pa kilalang suspek sa Valenzuela City, Miyerkules ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Cris Dumo, 22, taga-El Grande Homes, Gen. T. De Leon ng lungsod at empleyado ng Bank of the Philippine Island (BPI) sa Makati.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa Quintin Demitillo St., Gen. T, De leon sa gilid ng Our lady of Lourdes College. Nasa leeg pa ng biktima ang scarf na sinasabing ginamit sa pananakal dito nang matagpuan ito.

Sa pahayag ni Nonilong Magalong, Jr., 37, kapitbahay ng biktima, dakong alas-11:00 kagabi, dumating sa kanyang tindahan sa nasabing lugar ang bagong sahod na biktima at uminom ng alak.

Makalipas ang ilang sandali ay sinabihan ni Magalong ang biktima na magsasara na at kung gusto pang uminom ay sa loob na lang ng bahay ng una ituloy na pinayagan naman ni Dumo.

Ilang saglit lang uminom sa loob ng bahay ni Magalong ay nagpaalam ang biktima at sinabing may susunduin lang na kaibigan.

Makalipas ang ilang saglit ay bumalik ang biktima kasama ang kaibigang bakla at muling uminom.

Maya-maya pa ay muling nagpaalam na ang biktima kasama ang bakla habang natulog na si Magalong.

Nagulat na lamang si Magalong nang kinaumagahan ay nabalitaan niyang natagpuang patay ang biktima.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng bakla na huling nakasama ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply