Energy Usec Jay Layug, sinipa na sa pwesto

PORMAL nang isinapubliko ng Malakanyang ang pagkakasibak sa puwesto kay Energy Undersecretary Jay Layug.

Kasunod ito ng pagkakatalaga kay bagong Energy Sec. Jericho Petilla kapalit ni Sec. Jose Rene Almendras na itinalagang Cabinet Secretary.

Si Ramon Allan Oca na kasalukuyang assistant secretary ng DoE ang itinalagang kapalit ni Layug.

Si Layug ay dating spokesman ng DoE at nasa ahensya na noon pang panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Bukod kay Oca ay itinalaga rin sina Jess Anthony Yu bilang assistant secretary sa PCOO kapalit ni Lesley Jeanne Cordero na umakyat bilang undersecretary, Edgar Tabacon bilang bagong DPWH director III, Melvin Navarro bilang DPWH director III, Rosemarie Edillon bilang NEDA director IV.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply