Engot na dep’t head at 9 magigiting na pulis

ito-ang-totoo-colored3

BINABATI natin ang mga napiling Most Outstanding Employees sa Subic Bay Freeport na kamakailan ay pinarangalan ng Subic Bay Metropolitan Authority sa seremonyang ginanap sa Harbor Point Subic ng Ayala Malls. Ito ang Totoo: dapat lang na kilalanin at parangalan ang mga manggagawang may kakaibang dedikas-yon at husay sa pagganap sa tungkulin.

Ok naman ang may ilan taon na ring ginagawang ito ng SBMA Labor Dept. Ang hindi Ok at malaking kahangalan ay ang mensahe ni SBMA Labor Dept. Head Severino Pastor.

Mantakin niyo na awarding ng magagaling na manggagawa ang okasyon pero ang topic ng mensahe ng hinalipak na si Pastor ay ukol sa aniya’y mga iresponsableng taga-media na hindi nagsusulat ng magandang balita.

Pangunahing nilampaso ni Pastor sa kanyang mensahe ang media sa mga balitang naglabasan kaugnay ng alegasyong pagtatapon ng hazardous waste ng Glenn Defense Marine Asia sa Subic Bay. Ang masaklap nito, mali-mali ang impormasyong kanyang pinagsasabi at taliwas pa sa opisyal na pahayag ng SBMA board na binasa at ipinamahagi sa media ni Chairman & Administrator Roberto V. Garcia.

Itong si Pastor na carry-over ng mga nakaraang administrasyon ng SBMA ay hindi kagandahan ang reputasyon sa mata ng kapwa ng mga manggagawa at negosyante sa Subic Freeport.

Kaya hindi tayo nagtataka kung ang  slightly-used  niyang  utak ay kalinya ng pananaw ni kolumnistang William Esposo at Director Ramy Diez Sesdoyro na dahil sa koneksiyon sa PR firm na ginagastusan ng Glenn Defense Marine Asia ay lumalabo at nanlalabo na ang katotohanan.

Ang mga kagaya ni Pastor na labi ng nakaraang administrasyong nanggahasa sa SBMA at Freeport ay dapat kinakalos na para hindi na makaimpluwensiya sa pagbaluktot sa tuwid na daang isinusulong ni Pangulong Noynoy Aquino.

***

Wini-welcome po natin ang bagong O-I-C ng Olongapo City PNP na si PSSupt. Joseph Ramac na kapalit ni PSSupt. Christopher Tambungan na kinasuhan na sa NAPOLCOM at naka-forced indefinite leave dahil sa pagkakaugnay sa pay-offs sa kidnap for ransom at illegal drugs trade sa lungsod.

Siyam na matataas na opisyal ng Olongapo Police ang nagsampa ng reklamo laban sa hepe nilang si Tambungan at ito ay sina PSupt. Armando Mariano, PSupt. Christopher Mateo, PSupt. Ben-jamin Elenzano, PCI Teodorico Catubay, PCI Orlando Reyes, PSInsp. Gil Domingo, PSinsp. Zaldy Lising, PSInsp. Leobaldom Bacon at PSInsp. Vicente Gabarda.

Abangan natin ang magiging desisyon ng NAPOLCOM. Ito ang Totoo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply