Epekto ng forex sa presyo ng LPG, maliit lamang – LPGMA

MALIIT lamang ang epekto ng magandang foreign exchange rate sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG), ayon sa LPG Marketers’ Association.

Sinabi ni LPG Marketers’ Association Rep. Arnel Ty na mas malaki ang epekto ng pagbuti ng ekonomiya ng bansa sa pananatili ng mababang presyo nito, tulad ng nangyari ngayong taon.

Kumpara umano sa halos P1,000 na halaga ng kada 11-kilogram na tangke noong Disyembre 2011, nasa P650 hanggang P750 na lang ito ngayon.

Halos sentimo kada kilo lang ang epekto ng kada pisong pagtaas ng palitan ng piso kada dolyar.

Magugunita na nagpatupad ng bawas presyo ang produktong Lequified Petroleyum Gas (LPG) ngayon Huwebes, Noibyembre 29.

Ibibagsak sa P1.50 kada kilo o katumbas na P16.50 kada 11-kilong tangke ang Solane LPG kaninang alas-12:01 ng hatinggabi.

Sa parehong oras, P1.65 kada kilo ang ibinawas naman ng Petron sa kanilang Gasul at Fiesta Gas, katumbas ng P18.15 kada tangke.

Samantala P1.03 kada kilo naman o P11.33 sa kada 11-kilong tangke ang itinapyas  sa Xtend autoLPG kanina ring hatinggabi.

Batay sa ulat, ang paggalaw ng presyo ay dulot  ng pagbaba ng international contract prices ng LPG sa merkado sa darating na buwan ng Disyembre.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply