Establisimyento oobligahin nang magkabit ng CCTV

CCTV-camera

INOOBLIGA ang lahat ng establisimyento sa bansa na maglagay ng closed circuit television (CCTV) cameras.

Ito ang nakapaloob sa House Bill 6672 na inihain ng magkapatid na sina Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez at Abante Mindanao Partylist Rep. Maximo Rodriguez.

Pangunahing layunin nito ang makaiwas umano sa krimen gayundin ang kahalagahan ng CCTV sa paglutas sa krimen.

Ang panukalang “CCTV Act of 2012” ay inihain dahil na rin sa ulat ng Philippine National Police na mula noong January hanggang November 2011 ay umabot sa 230,817 na krimen ang naganap.

“While this number is lower compared to previous years like in 2009 where there were a reported 333,416 crime incidents, it is still very high.  One way to lower this high crime rate is to provide deterrents which will make would be criminals think twice and reconsider,” ayon pa sa panukala.

Banggit pa ng magkapatid na Rodriguez na dumarami aniya sa mga may-ari ng establisimyento ang umaangal sa pagpapakabit ng CCTV dahil sa dagdag gastusin.

Dahil dito, marapat lamang umano na gawing mandatory requirements ang pagkakabit ng CCTV sa mga establisimyento na may trabahador o staff na 20 pataas ang bilang na ang recording ay sa loob ng 24 oras.

Ang sinomang lalabag dito ay pagmumultahin at ang permiso o lisensya ay kakanselahin hanggang sa magkabit ng CCTV.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply