Estudyante ng UPLB ninakawan, pinatay

crime-scene-4

NAGSASAGAWA na ng masusing imbestigasyon ang pamunuan ng Laguna police kaugnay sa malagim na sinapit ng isang 19-anyos na estudyante ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) na pinagnakawan at pinaslang sa bahay nito sa San Vicente, Biñan City, Laguna.

Sa kasalukuyan, nangangalap ng mga pira-pirasong ebidensya ang Laguna Philippine National Police (PNP) para maging matibay ang kasong isasampa laban sa suspek sa naturang krimen.

Bandang ala-1:00 ng hapon kahapon nang matagpuang duguan ng kanyang ama si Maria Victoria Reyes sa kwarto nito.

Naisugod pa ang biktima sa Perpetual Medical Center pero idineklara ring dead-on-arrival.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, pinagnakawan ang biktima bago pinatay sa saksak.

Nabatid na bago natuklasan ang krimen isang pamilyar na residente umano ang nakitang nanggaling sa tahanan ng mga Reyes bago ang insidente.

Dahil dito, sinasabing mayroon ng lead ang awtoridad na patuloy naman ang imbestigasyon at pagtugis sa suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply