Euro-strike suportado ng manggagawang Pinoy

NAGPAHAYAG ng suporta ang mga manggagawang Pilipino sa isinagawang welga sa buong Europa kahapon.

Ayon sa Kilusang Mayo Uno o KMU, mainam na pagkakataon ang tinugariang N14 strike upang ipakita ng mga obrerong Pilipino ang kanilang pakiki-isa sa iba pang anakpawis sa ibang bahagi ng mundo.

Isinagawa ang N14 Europe-wide strike kahapon bilang pagtutol ng mamamayan ng naturang rehiyon laban sa isinusulong na austerity measures o pagtitipid dahil na rin sa kanilang papalalang krisis sa ekonomiya.

Bilang bahagi ng pagtitipid ng mga gubyernong Europeo, tatamaan ang mga serbisyong pampubliko tulad ng kalusugan, edukasyon, pabahay, mga benepisyo sa kapwa manggagawa at walang trabaho, at marami pang iba.

Ayon sa KMU, imposisyon ang austerity measure ng mga mayayamang bansa sa mga naghihirap na bansa upang masiguro ang pagbabayad sa kanilang mga ipina-utang sa mga ito.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply