Ex-CJ Corona muling pinalulutang sa DOJ

renato-corona

INATASAN ng Department of Justice si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona na muling dumalo sa pagdinig sa kaso nitong P120 milyon tax evasion.

Sinabi ni Senior State Prosecutor Rosanne Balauag, layon nito na panumpaan ng dating punong mahistrado ang kanyang isusumiteng rejoinder sa Disyembre 18, ganap na alas diyes ng umaga.

Sa pagdinig kanina, nagsumite ng reply affidavit ang Bureau of Internal Revenue na nagsasabi na tama ang kanilang kwenta na P120.5 million ang tax liablity ng dating punong mahistrado na resulta ng isinumite nitong maling impormasyon sa kanyang income tax returns noong 2003, 2005, 2007, 2008, at  2010.

Inatasan din ng DOJ ang magkabilang partido na magsumite ng kanilang memorandum sa Disyembre 18.

Ipinauubaya naman ni Balauag sa abogado ng mga respondent kung joint memorandum ang kanilang isusumiteng memorandum o ibig sabihin ay kasama na rin ang panig ng mag-asawang Carla at Constantino Castillo III na kapwa nahaharap din sa mahigit P30 milyon kasong tax evasion.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply