Ex-DOH sec. Cabral nagalak sa pagpasa sa sin tax bill

NAGPAHAYAG ng kagalakan si Health secretary Esperanza Cabral ang pagkakapasa ng Senado sa sin tax reform bill na naglalayong patawan ng dagdag na excise tax sa alak at sigarilyo.

Ayon kay Cabral, nais muna niyang mahimay nang husto kung anong mga pagbabago ang ginawa sa sinusuportahan nilang bersyon ng panukala ni Senador Franklin Drilon.

Gayunman, umaasa pa rin ang dating kalihim na mabilis na papasa sa bicameral committee ng Kongreso ang panukala para maiprisinta na ito kay Pangulong Benigno Aquino III at malagdaan na bilang ganap na batas sa lalong madaling panahon.

Sa oras na maging ganap na batas ang sin tax bill, ay naniniwala si Cabral na malaki ang maitutulong nito para maprotektahan ang kalusugan ng publiko.

Anang dating kalihim, mababawasan na ang mga kumukonsomo ng sigarilyo kapag nagmahal na ito at kapag nagkataon ay libu-libong mga buhay ang masasagip dahil makaiiwas sila sa sakit na maaaring makuha sa nasabing mga bisyo.

Iminumungkahi rin ni Cabral na ilaan ang bahagi ng kikitain ng gobyerno mula sa pagpapatupad ng sin tax reform bill sa health promotion lalu pa’t malaking banta na ngayon sa kalusugan ng publiko ang mga tinatawag na non-communicable disease gaya ng kanser, sakit sa baga at sakit sa puso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply