Ex-kongresman ng Bulacan sinampahan ng 4 kaso

_lily reyes

ILANG politiko pa kaya sa ating bansa  ang  katulad  nitong si dating Congressman Ricardo “Carding” Silverio, ng San Rafael Bulacan, na akala mong hayop kung tratuhin ang mga mahihirap.

Noong nakaraang Linggo ay nakarating sa Lily’s Files ang ginawang panunutok ng baril at pananakot nitong si Ex-Cong. Silverio, sa apat na batang naglalaro lang sa kanilang palaisdaan.

Hindi kaya naisip nitong dating kongresman na kung anoman siya ngayon at kung anong mayroon siya ngayon ay ang mga maliliit o sabihin na nating mahihirap niyang kababayan ang naglagay o nagbigay  sa kanya?

Sabagay nga naman, galing nga pala  sa mayamang angkan ng mga Silverio na isa sa sinasabing may-ari ng Toyota Motors itong si dating Cong. Silverio. Kaya ganun na lang kung umasta at makitungo sa mga mahihirap na pamilya.

Noong  nakalipas  na Biyernes  ay sinampahan ng mga kasong  RA 7610  o Anti-Child Abuse Law, Illegal Discharge of Firearms, Illegal Possession of Firearms at Grave Threat sa tanggapan ni Fiscal  Jowell Jose, Asst. Provincial  Prosecutor ng Malolos, Bulacan si Silverio, asawa ni kasalukuyang San Rafael, Bulacan Mayor Lorna Silverio.

Nagsimula ang nasabing isyu  noong nakalipas na Nobyembre 12, 2012  kung saan ay naabutan ng dating congressman na naglalaro ang apat namenor de edad sa  pag- aari nitong palaisdaan sa  maliit na kalye sa may Maguinao, San Rafa-el, Bulacan dala ang kanilang bisikleta.

Habang  nakaupo sa pilapil ang mga bata ay nakarinig umano sila ng paparating na sasakyan at makaraan ang ilang saglit ay bigla na lang silang nakarinig ng putok ng baril.

Natural na reaction ng mga bata ang matakot kaya tumalon sila sa palaisdaan at habang gumagapang  sa pag-ahon ay muli silang nakarinig ng putok ng baril. Pero hindi sila tumigil sa paggapang at habang nag mamadali ang mga ito sa pag-ahon ay sinalubong sila ng sasakyan.

Nagbaba ng bintana ang pasahero ng sasakyan na kanilang nakilalang si  Ex-Cong. Carding Silverio,  at sinabihan umano sila na iwanan ang  bisikleta at huwag nang babalik sa lugar na iyon.

Hindi umano pumayag ang 9 na taong gulang na si Rodelio kung kaya  pinilipit  ang braso ng bata  at tinutukan umano  ito ng baril  sa leeg ni Silverio.

At dahil dito ay bumaba uma-no sa sasakyan ang isang babae at kinuha ang batang si Rodelio  para ilayo kay Ex-Congressman  at mapauwi na ang mga bata.

Habang naglalakad ang mga bata ay sinusundan umano sila ng isang sasakyan na pula ang plaka  at sinabihan  na ipatatawag ang kanilang mga magulang.

Nang makaharap  umano ni ex-Cong. Silverio ang mga magulang ng mga bata ay sinabihan umano  nito na sawayin ang kanilang mga anak na huwag maglaro  sa kanyang palaisdaan.

Bagamat humingi ng paumanhijn  si Ex-Congressman  sa kanyang ginawa  ay  nag banta umano ito na  huwag ng  mauulit pa.

Kung kayo ang magulang ng mga menor de edad na   sina  sina  Samantha, 13, at ang kapatid nitong si Erica, 12,  Leonardo Maniol , 12 at kapitbahay na si  Rodelio Valdez, Jr. 9, anu kaya ang mararamdamaan ninyo  na marinig sa bibig ng isang dating Congressman ang mga katagang “Sawayin nyo  ang  mga anak  nyo at kung hindi  baka machine gun na ang gamitin  ko  at sa morge nyo na  makukuha  ang inyong mga anak.”

Nakausap sa telepono  ng Lily’s Files  si San Rafael Mayor  Lorna  Silverio,  at pinabulaanan nito  ang akusasyon ng mga biktima laban sa kanyang  asawang dating congressman.

Bukas po ang Lily’s Files Column natin  para  sa inyong mga reklamo, suggestions at komento,  mag text lang po sa  0915-5683000  at  0908-7230036  o kaya ay mag-email lang sa … lpr_2012@yahoo.com …

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply