Ex-parak sugatan sa pananambang sa QC

emergency-2

SUGATAN sa pananambang ang isang babaeng dating pulis at isa pang kasama nito nang ratratin ng isang armadong lalaki ang kanilang sasakyan sa Quezon City, Miyerkules ng gabi (Nobyembre 14).

Nagtamo ng tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Czarina Valle na dating miyembro ng Philippine National Police (PNP) at may lending business sa loob ng Camp Crame. Sa ngayon, ay nagpapagaling na lamang sa ospital si Si Czarina.

Tinamaan naman sa braso at kamay si Frida Uy, kasama ni Valle pero ligtas na rin ito sa kapahamakan.

Himala namang hindi tinamaan ang mister ni Czarina na si Eduardo, na dati ring pulis.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7:45 kagabi sa isang binisidad ng Dahlia St., Fairview Q.C.

Ayon kay Eduardo, naipit sila ng trapiko sa lugar nang mapansin niya ang paglapit ng isang lalaki na nakilala niyang si Sgt. Castillo na may hawak na baril.

Bago sila pinagbabaril, pinadapa niya ang kanyang misis at si Uy sa loob ng kanilang sasakyan ngunit bago pa nakadapa ay napaulanan na sila ng bala.

Naglakad lamang at sumakay ang suspek sa isang pampasaherong bus na parang walang nangyari.

Plano naman ng mag-asawang Valle na sampahan ng kaukulang kaso ang suspek na sinasabing katunggali ng mag-asawa sa pagpapautang ng mga pulis sa loob ng Camp Crame.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply