Ex-parak tiklo sa pagtutulak sa GenSan

tiklo

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Arestado sa buy bust operation ang isang dating miyembro ng Philippine National Police (PNP) at kasama nitong babae sa isang pension house sa General Santos City.

Kinilala ni C/Insp Michael Odejerte ng City Anti-Illegal Drug Special Task Force ang mga suspek na si Johnny Tancinco, 48, may asawa, isang dating pulis at residente ng Barangay Lagao sa lungsod at Jonalyn Betanio, 22, dalaga, na taga-Cannery Site, Polomolok, South Cotabato.

Isang pulis ang ginamit na poseur buyer para mahuli ang matagal nang minamanmanan na suspek.

Nang iaabot na ang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P2,500 ay dito na dinampot ang dalawa.

Nakuha pa sa dalawa ang 12 sachet ng shabu na may street value na P76,000 at cash na P8,900.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply