Exempted sa total gun ban sa govt institution, pinalawig ng Comelec

PINALAWIG Commision on Elections (Comelec) ang listahan ng mga government institutions na exempted sa ipapatupad na total gun ban sa Enero 2013.

Sa 17 pahinang resolusyon ng komisyon , ang internal security personnel ng bise presidente, DILG secretary, at defense secretary ay kabilang sa  listahan.

Ayon kay Comelec Chaiman Sixto Brillantes, kung magdadala ng  baril ang mga security personnel  ay dapat aniyang naka-unipome   at may kaukulang permiso mula sa Philippine National police.

Dapat din, aniyang, naka-plantilla position ang mga ito .

Maging ang state, regional, provincial at city prosecutors ng Department of Justice (DoJ), ay kasama rin sa resolusyon ng Comelec en banc.

Gayundin, gayundin ang internal security personnel ng Bureau of Correction (BuCor) at Bureau of Treasury.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply