Exit points sa ililikas na Pinoy sa Israel tinukoy ng DFA

IKINASA na ng pamahalaan ang pagtatalaga ng exit points para sa mga Filipino sa Israel sakaling tumintindi ang bombahan ng Israeli army at Hamas fighters sa Gaza.

Ayon kay Philippine Ambassador to Israel Generoso Calonge, bagama’t wala pang plano ang pamahalaan na ilikas ang mga Piilipinong nakatira sa Tel Aviv at sa Gaza Strip, kailangan nang maghanda ang Pilipinas.

Kabilang sa exit points na tinitignan ng Pilipinas ay ang Erez at Rafah borders sa pagitan ng mga bansang Israel, Jordan at Egypt.

Sinabi pa ni Calonge na wala pa naman naiuulat na nasaktang Pilipino matapos ang anim na araw na bakbakan.

Apektado sa kaguluhan ang may 5,000 Pilipino sa Israel na nakatira malapit sa hangganan ng Gaza Strip.

Ayon pa kay Calonge, bagama’t malayo sa bombahan ang Tel Aviv, umaabot na sa bayan ang mga rocket ng Palestino.

Gayunman, hindi naman tumatama sa kalupaan ang rocket ng mga Palestino dahil pinababagsak ito ng Iron Dome defense system ng Israel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply