Extortion case vs ex-PDEA chief, 13 pa may sapat na ebidensya – NBI

NAKITAAN umano ng sapat na ebidensya ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa dating PDEA chief na si Jose Gutierrez at 13 iba pa na isinasangkot sa kasong extortion kaugnany sa illegal drugs.

Ayon kay NBI Deputy Director for Regional Operations Services Atty. Virgilio Mendez, halagang P8 miylon aniya ang nakumpirmang hinihingi ng mga opisyal ng PDEA mula sa hinihinalang druglord na si Mark Sy.

Pormal nang sinampahan ng extortion case sa DOJ si Gutierrez kasama ang 13 mga ahente ng PDEA at tatlong sibilyan.

Kasama sa kinasuhan ay si dating Police Colonel Zoilo Lachica, Jr., director for Intelligence and Investigation Service; ang mga ahente na sina Marvin Mendoza, Jonathan Morales; Intelligence Officer Norman Daez; Gregorio Camua; Virgilio Castillo; Mark Anthony Omones; Laila Abad; Martin Francia; Alvin Morales; Dave James Curioso Rodolfo Caisip, Jr.; at Antonio Romero, Jr.

Kasama rin sa kinasuhan ang tatlong sibilyan na sina Ernesto Garcia, Jr., Reynete Isidro at Jonathan Gangcuangco.

Lumalabas sa imbestigasyon na unang demand ng mga sangkot ay halagang P50 milyon ngunit ito ay naibaba sa halagang P8 milyon.

Gagamiting ebidensya at testigo sa kaso laban sa mga sangkot ang isang alyas Anna na may-ari umano ng bank account.

Ang mga dinepositong pera sa bangko ay kinuha o winidraw naman umano ng isang Officer Norman Daez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply