Failure of election sa 2013 kinontra ng Comelec

MAAGA pa para sa pagtaya na magkakaroon ng failure of election sa darating na 2013 midterm polls.

Ito ang pagkontra ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., sa pahayag ni House Minority Leader Danilo Suarez na posibleng magkaroon ng failure of election sa susunod na taon.

Ayon kay Brillantes, pasok pa rin sila sa sinusunod na timeline at kung sakaling magkaaberya ang unang plano ay mayroon aniyang alternatibo ang komisyon.

Ang pahayag ni Suarez ay kaugnay sa posibilidad ng failure of elections dahil sa kuwestiyunable ang nakakuha ng kontrata sa pag-iimprenta ng mga balota na Holy Family Printing/Canon Joint Venture na kinomisyon ng National Printing Office (NPO).

Sinabi pa ni Brillantes na ang ganitong forecast scenario ay lumabas na rin noong nakaraang halalan subalit matagumpay naman ang kinalabasan ng halalan.

Ang pag-iimprenta ng 50 milyong balota ay inaasahang masisimula sa unang bahagi ng 2013 o sa buwan ng Enero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply