Fare hike sa LRT sa Enero, pinigil pansamantala

MARIING pinabulaanan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang kumakalat na ulat na ipatutupad na nila ang dagdag pasahe sa pagpasok  ng 2013.

Ayon kay LRTA spokesman Hernando Cabrera, isinasapinal pa ng ahensya ang ipapatupad na fare matrix sa mga tren ng LRT at MRT.

Sinabi pa nito, ipinagutos ni Department of Transportation and
Communications (DOTC) Sec. Emilio Abaya na ayusin muna ang mga
pasilidad sa mga train station tulad ng mga escalator, elevator,
comfort room at security bago tuluyang ipatupad ang dagdag pasahe.

Nauna rito sinabi ni dating Transportation and Communications at
Interior and Local Government Sec. Mar Roxas na matagal nang
naaprubahan at naisapinal ang pagtatas ng pasahe sa tren at posible na
itong ipatupad sa Enero.

Tiniyak naman ni Roxas na magiging makatuwiran ang ipatutupad na fare adjustment.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply