FDA: Cancer-causing korean noodles, ni-recall ng importer

BOLUNTARYONG binawi ng mga importer ang mga Korean instant noodles sa lokal na pamilihan na sinasabing maaaring maging sanhi ng cancer at una na ring ipinag-utos ng Korean FDA (KFDA) na i-recall sa kanilang bansa, ayon sa Food and Drugs Administration (FDA).

Ayon kay FDA acting director Kenneth Hartigan-Go, anim na Korean noodles ang boluntaryong binawi matapos umanong makitaan ng benzopyrene ang mga ito.

Ang benzopyrene ay isang carcinogen na sinasabing maaaring maging sanhi ng kanser.

Sa kabila naman nito, tiniyak ni Hartigan-Go na ipagpapatuloy ng FDA ang monitoring sa kaligtasan ng produkto.

“Licensed importers of the affected instant Korean Noodles manufactured by Nong Shim Co. Ltd. (are) to conduct a voluntary recall of the subject products,” ani Hartigan-Go.

“The DOH-DFA assures the public it shall continuously monitor the safety of food products in the country,” aniya pa.

Kabilang sa mga ni-recall ay ang Nongshim Neoguri (Hot) (expiration dates Oct. 22 to Nov. 11, 2012); Nongshim Neoguri (Hot) Multi (expiration dates Oct. 22 to Nov. 11, 2012); Nongshim Neoguri (Mild) (expiration dates Oct. 28 to Nov. 17, 2012); Nongshim Big Bowl Noodle Shrimp (expiration dates Nov. 4 to 29, 2012 and Jan. 1 to 30, 2013 (made in Busan only)); Nongshim Saengsaeng Udon Bowl Noodle (expiration dates Sept. 30 to Oct. 22, 2012) at Nongship Saengsaeng Udon (expiry dates Aug. 28 to Oct. 8, 2012).

Nabatid na ang boluntaryong recall ay nag-ugat sa pagbubunyag ng grupong EcoWaste Coalition na ang mga naturang Korean noodles ay nagtataglay ng cancer-causing substances at binawi na sa Korea ngunit nananatiling ipinagbibili sa ilang local Korean stores sa Metro Manila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply