FDA nagbabala sa choco powder na may salmonella

PINAYUHAN ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko na mag-ingat sa produktong Nestle “Nesquik” chocolate powder mula sa Estados Unidos dahil nagtataglay ito ng Salmonella.

Ayon sa FDA, boluntaryong nag-recall ang nestle USA ng ilang produkto ng 10.9-, 21.8-, and 40.7-ounce canisters.

“In the interest of protecting public health and safety, the Department of Health-FDA hereby issues this advisory to inform the public that the affected Nesquik chocolate powder was produced during early October 2012 and with an expiration date of Best Before Oct 2014,” ayon kay FDA head Kenneth Hartigan-Go sa advisory 2012-012 na nakapost sa FDA website.

Ang mga simtomas ng salmonella ay tulad ng pagtatae, lagnat, panankit ng tiyan na eepekto sa loob ng 72 oras matapos itong kumain o uminom ng kontaminadong pagkain.

Tumatagal naman ng apat hanggang pitong araw na mararanasan ito ng isang pasyente bago tuluyang makarekober na walang treatment.

Gayunman, maituturing pa ring life-treatening ito sa mga sanggol, matatanda, buntis at mga mahihina ang resistensya.

Sinabi pa ni Hartigan-Go na base sa record ng FDA, lumalabas na hindi rehistrato sa FDA sa bansa Nestle “Nesquick” Chocolate flavor.

Bunsod nito, pinayuhan ang publiko na huwag bumili ng nasabing produkto pero kung nakainom na, aniya, ay agad na kumonsulta sa doctor .

Hinimok din ni Hartigan-Go ang publiko na ireport agad sa kinauukulan ang sinumang mahulihang nagbebenta ng nasabing produkto sa 807-8275.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply