Fetus itinapon sa kanal sa Maynila

MPD-HeadQ

MISTULANG basura na itinapon ang isang babaeng fetus sa isang kanal sa Sampaloc, Maynila Lunes ng umaga.

Sa report ni PO3 Richard Lumuco ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 10:00 ng umaga nang madiskure ang tinatayang pitong (7) buwang babaeng fetus sa isang kanal sa Leyte St., Sampaloc, Maynila.

Naglalakad sa lugar ang isang hindi nagpakilalang lalaki na siyang nakapansin dito sa kanal.

Kanya itong ipinagbigay alam kay Kagawad Jose Dulin ng Brgy 562 Zone 55 at nang kanilang siyasatin ay tumambad ang babaeng fetus na tinakpan ng isang plastic.

Agad nilang inireport sa pulisya ang nakita.

Inaalam na ng pulisya kung sino ang nag-abandona sa fetus sa nasabing lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply