Fetus natagpuan sa gilid ng simbahan sa Maynila

NATAGPUAN ng isang mangangalkal ng basura ang isang lalaking sanggol tinatayang nasa anim na buwan na itinapon sa gilid ng San Sebastian Church sa Bilibid Viejo Street, Manila.

Ayon sa pulisya, ang fetus ay natagpuan ng isang basurero na kinilalang si Fermin Ferolino. Ang fetus ay nakasilid sa kahon ng sapatos na nakapaloob sa plastic bag.

Ayon kay Ferolino, binungkal niya ang laman ng supot sa pag-aakalang mapakikinabangan niya ito.

Nagtirik naman ng kandila ang mga residente sa lugar na kinatagpuan ng fetus.

Blangko ang awtoridad kung sino ang nag-iwan sa fetus.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply