Field personnel ng Comelec babalasahin

comelec

KINUMPIRMA ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes, Jr., na nakatakdang magpatupad ang komisyon ng reshuffling sa mga field personnel bago ang 2013 midterm elections.

Ayon sa poll chief, matapos mai-finalize ay magsisimula na ang planong reshuffling kung saan target na maisagawa ito sa Disyembre hanggang Pebrero 2013 bago ang campaign period.

Sinabi ni Brillantes na layon ng reshuffling sa mga field personnel na maiwasan na maimpluwensiyahan ng isang politiko ang mga election officers na matagal nang naka-assign sa kanilang lugar at naka-establish ng rapport sa mga politiko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply