Fil-Am kinasuhan sa Amerika

police-line

INARESTO ang Filipino-American at kinasuhan na sa Amerika kasama ang tatlo pang US Citizen dahil sa hinalang sasali sila sa terrorist group sa Afghanistan.

Nabatid na simula pa noong 2010 ay nagsasabwatan na at nagpaplano para sumali sa Taliban ang 23-anyos na Philippine born na si Ralph Kenneth De Leon alyas Rafiq Abdul Raheem at Ya Seen, gayundin ang tubong Mexico na si Miguel Santana at Vietnamese-American na si Arifeen David Gojali.

Hinihinalang plano ring magsagawa ng Jihad sa Amerika ang tatlo.

Unang naaresto ang noong nakaraang linggo sa Afghanistan ang 34-anyos na Amerikanong si Soheil Omar Kabir na sinasabi ring leader kung saan nakuha rito ang online video at audio recordings ng mga pag-uusap ng grupo.

Nahaharap sa kasong “providing material support to terrorists” na may parusang 15-taong pagkakulong sina De Leon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply