Fil-Am na tangkang magpuslit ng gun spare part laya na

NAKALAYA na ang isang Fil-Am na nahaharap sa kasong  illegal possession of firearms na naaresto matapos tangkang magpuslit ng spare parts ng baril, papasok sa bansa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong nakaraang Miyerkoles, Nobyembre 28.

Napag-alaman sa finding ni Pasay City Prosecutor Elmer Mitra agad din nakalaya si Clint Obusan Pardo noong madaling-araw ng Miyerkules matapos maaresto noong umaga.

Wala umanong ibinayad na bail bond ang Fil-Am at tinatkan ng “for further investigation” ang (FFI)kanyang kaso dahil may ipinakita itong kaukulang papeles para sa baril at  sasali siya sa gunshooting competition

Narekober mula sa bagahe ni Pardo ang 23 barel ng caliber 40 at iba pang spare parts ng baril.

Si Pardo ay dumating sa bansa lulan ng Philippine Airlines (PAL) flight PR-103 mula Los Angeles.

Nakuha kay Pardo ang 23 piraso ng barrel ng kalibre .40 na baril, limang pirasong slides ng kalibre .40, isang upper receiver ng M16 at mga magasin na hindi umano idineklara sa Bureau of Customs (BOC) officers sa airport.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply