Fil-Am nahulihan ng mga parts ng baril sa NAIA

NAHAHARAP sa kasong illegal possession of firearms ang isang Filipino-American makaraang mahulihan ng iba’t ibang parte ng baril nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 kaninang madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Clint Obusan Pardo na dumating sa bansa lulan ng Philippine Airlines (PAL) flight PR-103 mula Los Angeles.

Nakuha kay Pardo ang 23 piraso ng barrel ng kalibre .40 na baril, limang pirasong slides ng kalibre .40, isang upper receiver ng M16 at mga magasin na hindi umano idineklara sa Bureau of Customs (BOC) officers sa airport.

Sinasabing may kaukulang papeles  ang dala nitong tatlong kalibre .40 pistol at dalawang kalibre .22 na long firearm.

Depensa naman ni Pardo, sasali siya sa   gunshooting competition ngayong araw.

Nakatakdang isailalim ang suspek sa inquest proceedings sa Pasay City Presecutor’s Office.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply