Filipino sign language module inilunsad

NAIS ng Department of Health (DOH) na higit na magkaunawaan ang health workers at mga pasyente nitong may problema sa pandinig.

Kaugnay nito, inilunsad ng DOH Center for Health Development – National Capital Region (CHD-NCR) sa pangunguna ni Director Eduardo Janairo ang kauna-unahang Filipino Sign Language (FSL) Module na gagamitin ng health workers sa pakikipag-komunikasyon sa mga pasyente na may hearing disabilities.

Ayon kay Janairo, gagamitin ang FSL module para sa pakikipag-komunikasyon at pag-unawa sa mga pasyenteng may hearing impairments.

Sasanayin ang health workers sa tamang gestures at body movements na nasa module para higit silang magkaunawaan ng kanilang mga pasyente na gumagamit ng sign language.

“We need to introduce FSL in our health care system and strengthen its use for the benefit of people who have difficulty hearing or speaking. Health workers will also benefit from using this module as it will enrich their knowledge, skills and awareness on the needs of people using FSL as their communication,” paliwanag ni Janairo.

Batay sa 2000 Census on Person with Disabilities (PWD), nabatid na mayroong kabuuang 120,000 deaf populations sa bansa.

Sa 2004 Philippine Registry on Persons with Disability, lumilitaw naman na ang kabuuang 571 registered PWDs  sa National Capital Region (NCR) ay may speech at hearing impairment.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply