Final list ng partylist tatapusin ngayong Nob

TATAPUSIN na ngayong buwan ng Commisison on Electins (Comelec) ang final listing ng mga accredited partylist group na lalahok sa 2013 polls.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., matapos nilang masala ang maaaring makalahok na partylits group sa susunod na halalan ay isasagawa naman ng poll body ang pag-a-assign ng numero sa mga accredited partylist.

Ito ay dahil hindi na alphabetical ang partylist system ngayong 2013 election.

Kahapon lamang ay 19 karagdagang grupo na ang inalis sa listahan at hindi na papayagang makalahok pa sa 2013 partylist elections.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply