Financial manager ng Aman Futures, nasa custody na ng NBI

NASA protective custody na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang sangkot at nagpakilalang financial manager ng Aman Futures Group.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, nakahandang makipagtulongan si Donna Coyme sa gagawing imbestigasyon kung saan ihahayag nito ang ginagawa nilang modus operandi sa  kontrobersiyal na pyramid scam na nagbulsa sa P12 billion pera ng mga investors sa Visayas at Mindanao.

Sinabi pa ni De Lima, ina-assess nilang mabuti ang affidavit ni Coyme kung puwede itong isailalim o gamitin bilang state witness.

Sa pahayag ni Coyme, umabot sa P500 million ang kaniyang naiprosesong puhunan ng mga investors.

Dati umano siyang tutor ng mga anak ng isa sa mga opisyal ng Aman Future na si Fernando Luna, at ang naging papel niya ay ang maglabas ng tseke mula sa Aman Futures at mag-ayos ng records ng mga investors.

Samantala, inihahanda na ng Department of Justice (DoJ) ang susunod nilang hakbang laban sa dalawang lider ng kontrobersiyal na Aman Futures Philippines Inc. at Rasuman Group.

Ayon sa kalihim, hihilingin nilang ipa-freeze ang mga assets nina Manuel Amalilio ng Aman Futures at Coco Rasuman ng Rasuman Group.

Inihayag pa ng opisyal na ang kaso laban kina Amalilio at Rasuman ay nakatakdang ihain sa korte sa mga susunod na araw.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply