Firecracker ban sa kabataan pinag-aaralan ng DOH

doh-enrique-ona

PINAG-AARALAN ng Department of Health (DOH) ang pagpapatupad ng total ban sa paputok dahil sa panganib nito sa kalusugan at kalikasan lalo na sa mga bata.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, ang total firecracker ban ay nangangahulugan na hindi na maaaring gumamit ng paputok ang mga
indibidwal lalo na ang mga kabatan upang makaiwas sila sa panganib na dulot ng paputok.

Partikular na nais na pagbawalan ng kalihim na gumamit ng firecrackers ang mga batang nagkakaedad ng 15 pababa.

Dismayado rin ang kalihim sa kanilang kampanya lalo na’t karamihan pa rin sa mga nabiktima ay mga paslit na nasa edad lang ng 10  pababa.

Maging ang mga ligal na paputok tulad ng kwitis, trianggulo at sparklers ay naging sanhi rin ng pagkasugat ng mga indibidwal kaya labis aniya silang nababahala rito.

Sinabi ni Ona na dapat mga lokal na pamahalaan na lang ang payagang gumamit ng firecrackers upang matukoy ng mga ito ang mga lugar kung saan dapat payagan ang fireworks display.

Giit ng Kalihim, ang ‘unchecked firecracker use’ ay mapanganib sa indibidwal at nagiging sanhi din ng polusyon sa hangin at respiratory
illnesses.

Nilinaw naman ni Ona na dapat pag-aralang mabuti ang firecracker ban dahil maaapektuhan nito ang mga local producer ng firecrackers, ngunit dapat din aniyang bantayang mabuti ng pamahalaan ang produksyon ng fireworks at tiyaking ligtas ang mga ito.

Kaugnay ng pagbabawal ng paputok, malaki ang posibilidad na ipagbawal na sa Baguio City ang pagbebenta ng nasabing produkto ngayong Kapaskuhan.

Nagkasundo ang Baguio City Council na hindi na nila papayagan ang pagbebenta ng mga paputok sa naturang lungsod.

Mas masaya kasi umano kung walang masasaktan sa maling pagpapaputok.

Bagamat nagkasundo na tututulan ang hiling ng grupong nagbebenta ng paputok, kanila pa rin ipinaubaya kay Baguio City Mayor Mauricio
Domogan ang pagpapasya sa isyu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply