Fireworks naka-imbak sa bahay, sumabog, 8 patay

crime3

INDIA – Pitong myembro ng isang pamilya at isa pa ang namatay nang sumabog ang mga paputok na nakaimbak sa isang bahay sa hilagang bahagi ng Indian state na Uttar Padesh.

Sinabi sa ulat ng pulisya na kabilang sa namatay ay ang pitong miyembro ng isang pamilya at isa pang indibidwal na pawang hindi nakuha ang mga pangalan at nagtamo ng matinding kapansanan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nangyari ang insidente dakong las 10:30 nitong Martes ng gabi sa bisperas ng ikakasang Diwali o “Festival of Lights” sa Uttar Padesh.

Kung maalala, noong nakaraang Setyembre lamang ay umabot sa 30 katao ang namatay nang magliyab ang isang paktorya ng paputok sa Tamil Nadu state.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply