Flashfloods, landslides nagbabanta sa Mindanao, MM

MAY posibilidad na maapektuhan ng pagbaha at pagguho ng lupa ang Mindanao na may bahagyang pag-ulan kabilang ang Metro Manila.

Ayon sa  Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration dahilan aniya ito sa inter-tropical convergence zone na siyang makakaapekto sa Mindanao, habang maapektuhan ng cold front ang dulong bahagi ng northern Luzon.

Dahil dito magiging maulap, aniya, na may  banayad hanggang sa malakas na pag-ulan na maaring magdulot ng flash floods at landslides.

Magkakaroon ng mahinang pag-uulan ang cagayan Valley habang ang Metro Manila at ibang bahagi ng bansa ay magiging maulap na may pag-uulan pagkulog at pagkidlat na mararansan lalo na sa hapon at gabi.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply