Float glass smuggling buking

MAY kasabihan ang mga pulis na “once a robber, always a robber.” Tulad din yan ng adage sa Aduana na  “once a smuggler, always a smuggler.” Ang wise saying na yan ay napatunayan ng kapulisan sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagkakadakip at pagkakasakote nila sa mga magnanakaw.

Kung nahuli nila ngayon ang salarin, ilang araw lang mahuhuli na naman nilang nambabakal. Kumbaga, paulit-ulit na ginagawa. Mahirap arukin pero sa simpleng kadahilanan – kung ako ang tatanungin – nakadikit na ang katarantaduhan sa katawan ng magnanakaw.

At ang dahilan ng paulit-ulit na pagnanakaw ni magnanakaw ay dahil sa nakukuhang pera sa mga ninanakawan. At ang gawaing yan ay nangyayari sa BOC. Kaya pau-lit-ulit na ginagawa ng mga smuggler ang kanilang masamang gawain ay dahil sa datung na nakukuha sa kanilang masamang ginagawa.

Para maputol ang ganitong gawain, tama ang sistemang pinaiiral ng pamunuan ni Customs Comm. Ruffy Biazon sa waterfront. Mahigpit ang babala ni Biazon sa mga smuggler, pero sa nakikita natin, hindi natatakot ang mga ito, patuloy ang nasasabat na hot items sa BOC.

May iba’t ibang maniobra ang mga smuggler mailusot lamang ang mga produkto pero sinasabayan naman sila ng mga bata ni Biazon. At nakikita natin na unti-unti ay nagbubunga ang pagiging ‘patient’ at giyera ng kasalukuyang liderato ng BOC laban sa mga smuggler.

One by one – ika nga ng nakausap kong BOC official – nabubuking namin ang kanilang mga modus operandi at sila’y nahuhuli namin. Gaya ng nabuking na P30 million float glass smuggling kamakailan sa Port of Davao na ang style ay ang tinawag na ‘misclassification’.

Dapat ay magbayad ng P6.7 million tax ang may-ari na si Sa-shane. Pero sa kanyang ginawa ay nanganganib na mawala ang buong P30 million na float glass dahil kukumpiskahin ito ng gobyerno.

Bukod sa mawawalan na siya ng P30 million ay kinasuhan pa siya, kasama ang broker na si Diorito R. Alberca, ng BOC probers.

Maraming ahensiya ng ating pamahalaan na may nangyayaring iba’t ibang kalokohan sa ngalan ng pera, pero in fairness may ginagawa ang gobyernong PNoy para ma-address ang problemang ito.

Kailangan lamang sigurong maging totoo ang mga namumuno ng mga ahensiya, sila’y gumagawa ng kaparaanan para masugpo ang katiwalian, tulad ng ginagawa ng liderato ni Biazon sa BOC.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply