Comelec: Flying voters ‘di makalulusot

HINDI na ‘makakaporma’ pa sa 2013 midterm elections ang mga “flying voters.”

Ito ang kumpiyansang inihayag ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez sa gitna na rin nang ginagawang preparasyon ng poll body para sa halalan sa susunod na taon.

Ang flying voters ay yaong mga botante na nakarehistro sa isang lugar ngunit nakakaboto pa rin sa ibang lugar.

Ayon kay Jimenez, director ng Comelec-Education and Information Division (EID), malabo nang makalusot pa ang mga flying voters dahil naghanda na sila ng tatlong uri ng proteksiyon laban sa mga ito.

Una na aniya rito ay ang pagpaparehistro gamit ang biometrics system at ikalawa ay ang pagdaan ng mga pangalan ng mga botante sa Election Registration Board (ERB) kung saan sasalaing mabuti kung hindi nakarehistro sa ibang lugar ang isang botante, nasa tamang edad at iba pa.

Ang pangatlo naman umano ay sa mismong araw ng eleksyon ay malabo nang makalusot ang mga “flying voters” sapagkat sa bawat presinto ay may kasamang larawan ang kanilang mga voter’ list na pagbabatayan din ng election officer bago bigyan ng balota ang botante.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply