FOI bill isasalang sa committee hearing sa Nob 13

NAKATAKDA nang isalang ang Freedom of Information Bill (FOI) sa hearing sa House Committee on Public Information sa Martes, Nobyembre.

Ayon kay Rep. Erin Tañada, ito ay batay na rin sa pasya ni Congressman Ben Evardone.

Inilarawan ni Tañada, may akda ng naturag panukala na “naka-life support system” na umano sa isang “Intensive Care Unit” ang FOI at posible umano itong mailibing nang tuluyan dahil sa naantalang aksiyon ng committee on information sa Kamara.

Ani Tañada, mula Enero hanggang Oktubre, isang public hearing pa lang umano ang naisagawa ng komite, na pinamumunuan ni Samar Rep. Ben Evardone.

Inamin din ni Tañada na lumiliit na ang pag-asa na maaprubahan pa ng kasalukuyang Kongreso ang FOI bill.

Kung sakaling makalusot sa public hearing ng komite ni Evardone ang panukala ay maliit pa rin umano ang tiyansang maaprubahan ito kung sakaling maikalendaryo ito sa plenaryo sa Disyembre.

Ang FOI bill ay isinusulong din ng mga organisasyon ng mga mamamahayag na umaasang magkaroon ng akmang batas na magpapahintulot sa mga taga-media at mga mamamayan na suriin ang mga kontratang pinapasok ng gobyerno.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply