FOI oks na sa committee level

FOI2

MINADALI ang pag-aapruba sa committee level sa kontrobersyal na Freedom of Information bill.

Ito ang akusasyon ni Nueva Ejica Rep. Rodolfo Antonino sa mga miyembro ng House Committee on Public Information para lamang mapagtibay ang Freedom of Information bill.

Giit ni Antonino na inaprubahan ang panukala kahit hindi pa natatalakay ang kanyang bersyon partikular na ang kanyang probisyon para sa Right of Reply.

Nangangamba si Antonino na maabuso ang FOI sakaling tuluyan na itong maisabatas dahil hindi ipinasok ang kanyang right of reply at iba pang safeguards na inilalatag ng kanyang mga kasamahan.

Ang dininig lang ay ang bersyon ng FOI na inaprubahan ng technical working group na ginawa ng iisang tao ni Deputy Speaker Erin Tañada.

Higit na pinangangambahan ni Antonino na lumawak ang media corruption sa Pilipinas kapag tuluyan nang naisabatas ang FOI.

Masyado aniyang makapangyarihan ang media dahilan kaya marami umanong pulitiko ang nabibiktima.

Nagmistulang sinermunan pa ni Antonino ang media sa pagsasabing hindi raw nagpa-practice ng responsableng pamamahayag.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply