Freak beauties!

gretchen-barretto

ABA may natiyempuhan na naman kaming matataray na mga bading sa isa sa mga coffeeshop sa Morato Avenue, QC. Mga badidang silang pasosyal na mahilig magtsikahan tungkol sa showbiz habang pakape-kape sila.

Maayos naman ang pananamit nila, at mukha naman silang professionals. Mga taga-advertising agency at call centers ang mga outspoken na mga badidang na yon.

“Freak beauties” pala ang tawag nila sa mga celebrity na, ayon sa kanila, ay halata namang ipinatungkab at ipinabanat ang mga mukha, o kaya ay regular na pinasasaksakan ng botox kesehodang nagkandangiwi-ngiwi na sila at iisa na lang ang ekspresyon ng kanilang mga mukha dahil na-paralyze na nga ng botox ang nerves nila sa mukha.

Hindi raw normal sa tao ang hindi man lang mag-sag ang mukha at magkalukot kahit konti. “Ageing with grace” ang tawag nila sa mga babae at lalake na hinahayaan ang mga mukha nila na magkaedad kahit na siguro ay gumagamit rin sila ng cream gabi-gabi para makontrol ang pagkatuyot ng mga kutis nila at pagkakapileges sa mga noo nila.

Pero, ayon nga sa mga pakape-kapeng mga bading, ang dami na ngang nagpapa-botox at nagpapa-facelift kaya’t parang isang kababalaghang naging malaporselana sa kinis at higpit ang mga balat ng kanilang mga noo, leeg, at pisngi sa edad na dapat ay bumagsak na ang kanilang mga pisngi at medyo nagkakapileges na ang kanilang mga no- o.

Kaya, hayun, “freaks” nga ang bansag ng mga walang puso at walang mga pakundangang mga binabae sa coffeeshop na yon sa Morato sa mga babaeng ayaw tumanda ang itsura.

May binansagan na rin nga sila na “Queen of the Freaks” — si Gretchen Barretto! Ang pagkakinis-kinis at pagkaganda-gandang partner ng bilyonaryong si Tonyboy Cojuangco.

Alam ng mga matataray na bading na yon na more or less ay magkaedad lang sina Gretchen at Dawn Zulueta at may panahon pa nga raw na sabay silang nagpa-augment ng kanilang mga dibdib. Yung isang bading nga ay naaalala pang parehong si Bibsy Carballo ang manager nina Dawn at Gretchen nung panahong nagpalake sila ng boobs. Yon din ang panahong hiwalay na si Gretchen sa napakatagal n’yang naka-live in na basketbolistang si Joey Loyzaga.

At kaya naman biglang pumasok sa usapan si Dawn ay dahil nga ikinumpara nila ang beauty ni Gretchen sa beauty ni Dawn.
Mukhang natural raw ang kinis at aliwalas ng mukha ni Dawn kumpara sa parang manikin na mukha ni Gretchen kahit na nagpapa-Belo si Dawn. Laser treatment lang siguro at kung anu-anong cream lang ang ina-apply sa mukha ni Dawn kaya hindi ito mukhang tulalang manikin. In short, hindi tinungkab at ini-stretch ang mukha ni Dawn na siya umanong ginawa sa mukha ni Gretchen. May isang bading sa umpukan na yon na biglang naalaala na baka ganu’n rin daw ang ginawa sa mukha ng 50 years old na ngayong si Carmi Martin pero mukhang 25 ang kinis at higpit ng mga pisngi at noo.

Aba, talaga palang nagmu-monitor ng mga mukha ang mga badiding na yon na mga 30 to 40 years old pa lang kaya di pa siguro nagpapa-botox.

Okey na rin na ang libangan ng mga bading na yon ay tarayan ang mga artista at iba pang celebrities na lagi rin naman yata nilang pinapanood sa TV at sa pelikula. Mas maige na yon kesa makipag-sex sila nang makipag-sex kung kani-kanino o s isa’t isa at maging HIV-positive sila. Ang bali-balita ay among the non-sex workers, pinakamataas raw ang HIV rate sa mga nagtatrabaho sa call centers, advertising agencies, marketing outfits, at event companies. Ang bulung-bulungan pa rin ay yung bading na anak ng direktor na naging HIV positive a few years ago ay nagka-full blown AIDS na raw. Sana naman ay tsismis lang yon. Sana naman ang katotohanan ay guma- ganda na ang kalusugan ng guwapitong bading na yon na involved noon sa events company at marketing agencies.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply