Freeze order sa yaman ng lider ng Aman Futures, didinggin ng CA

court-of-appeals

NAGTAKDA na ng petsa ang Court of Appeals para sa pagdinig sa freeze order laban sa mga bank accounts ng nasa likod ng Aman Futures Group Philippines Inc. na si Manuel Amalilio at mga board of directors nito.

Batay sa 12 pahinang resolusyon ng CA 4th division na isinulat ni Justice Ramon Garcia, itinakda ang pagdinig sa Dec. 3 sa ganap na 1:30pm.

Sa nasabing pagdinig ay tatalakayin ng korte kung palalawigin pa ang dalawampung araw na freeze order na una ng inilabas ng CA noong Nobyembre 20.

Aabot naman sa 25 bangko ang sakop ng inilabas na freeze order gaya ng Allied Bank, BDO, Bank of Commerce, BPI, China Banking Corp., Citibank, DBP, East West Bank, HSBC, LandBank, Maybank, Metrobank, PSB, RCBC, Standard Chartered, PNB, Union Bank at iba pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply