Funeral march isasagawa sa GenSan para sa ika-3 anibersaryo ng Maguindanao massacre

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Handa na ang mga kaanak at pamilya sa pagsasagawa ng funeral march kasama ang mga supporter ng mga biktima sa Maguindanao massacre kasabay ng ikatlong taong anibersaryo ng karumal-dumal na krimen na ikinamatay ng 58 katao at 32 ang mga miyembro ng media.

Sa panayam ng Remate kay P03 Oliver Cablitas, misis ni Maritess Cablitas, isa sa mga kasapi ng media na biktima ng masaker, dakong alas-2:00 ng hapon sa November 23, sisimulan ang funeral march ng grupo mula sa harapan ng SM Mall papuntang Plaza ng Heneral Santos kung saan may isasagawang programa.

Pagkatapos tutungo ang grupo Forest Lake Cemetery sa Apopong, GenSan kung saan doon inilibing ang 12 miyembro ng media na biktima ng masaker.

Dagdag pa nito, ang mga lalahok sa funeral march ay magdadala ng kabaong na gawa sa karton.

Pagdating sa Forest Lake Cemetery, isasagawa ang misa na pangungunahan ni Father Sherwin Betoya ng Our Lady of Peace and Good Voyage.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply