FVR sinopla ni JV

SINOPLA ni San Juan Rep. JV Ejercito si dating pangulong Fidel Ramos ukol sa isyu ng kapayapaan sa Mindanao.

Tahasang sinabi ni Ejercito na hindi ang kaniyang ama na si dating Pangulong Joseph Estrada  ang sumira sa oportunidad ng pagkakaroon ng ganap na kapayapaan sa Mindanao kungdi si FVR.

“With all due respect, it was former President Fidel V. Ramos who bungled the opportunity to attain lasting peace in Mindanao. He adopted a policy of appeasement, a sign of weakness that the More Islamic Liberation Front (MILF) exploited,” giit ni Ejercito.

Kabaligtaran aniya ito sa inilatag na peace agreement ni FVR noong kanyang panunungkulan na siyang nagpalala sa kaguluhan sa rehiyon dahil ang kasunduan maging ang ceasefire ay hindi umano gaanong seneryoso ng Moro Islamic Liberation Front.

Ang totoo aniya ay si Erap pa ang sumalo sa diumano’y gulong nalikha sa panahon ng administrasyong Ramos kung kaya napasakamay ng gobyerno ang kontrol sa mga kampo ng MILF sa tulong na rin ng AFP.

Bukod din dito ay si Estrada din aniya ang nanguna para sa reconstruction program at rehabilitasyon ng mga napinsalang lugar dulot ng kaguluhan.

Naniniwala pa si Ejercito na kung hindi lang hinadlangan at pwersahang pinaalis ang kanyang ama sa pagkapangulo ay posibleng nakamit na ang kapayapaang inaasam sa Mindanao.

“I believe that if my father’s presidency had not been aborted by the enemies of the Republic, the peace agreement would have been concluded right there and then, under terms very much favorable to the people of Mindanao and the Filipino people as a whole,” ani Ejercito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply